Ang ENG ENG DEE AY (MMDA) Dahilan Kung Bakit Laging Sobrang Trapik sa EDSA

Natawa na lang kami ng mga kaibigan ko kahapon nung nakita namin ang Facebook post ni James Deakin kung saan sabi niya na may naisip na bagong coding scheme ang MMDA.

Alam mo yun? Yung tipong natatawa ka na lang sa sobrang inis?

Sabi nga ng isang kaibigan ko, “Eng Eng Dee Ay!”

Pasensya na kung nakakasakit ang pangungutya ng kaibigan ko, pero sa tutoo lang naman eh parang walang nagawang matino ang MMDA sa pag-aayos ng trapik sa Metro Manila at kitang-kita ito kasi sobrang trapik pa rin.

Pero hindi rin naman tamang todong pagbuntunan ng sisi ang MMDA sa grabeng trapik sa Metro Manila kasi isa lamang ang traffic management sa ilang mga bagay na kailangan ayusin upang maging maayos ang daloy ng trapik.

Sa tutoo lang, sa sobrang dami ng mga sasakyan sa kalsada natin, kahit anong traffic management ang gawin eh hindi talaga magiging maayos ang daloy ng trapik at aabutin ka talaga ng isang oras mahigit sa daan kahit saan ka magpunta.

Dahil nga ENG ENG DEE AY ang MMDA, hindi na ito nag-isip at kara-karakang sinusubo sa madlang motorista ang nakakalitong bagong coding scheme. Dahil sa nakakalito ito para sa motorista, tiyak mas malilito ang mga sobrang tatalinong mga MMDA enforcers natin.

Ayaw naming puntiryahin si MMDA Chairman Tim Orbos kasi sa tingin namin eh baka naman hindi niya ito idea talaga. Si Chairman Orbos eh galing sa angkan na kilala sa politika at sa public service, kaya naman inaasahan namin na kahit papaano eh makakamada niya ang solusyon sa traffic sa Metro Manila.

Kung sabagay, wala pa namang isang taon siyang nakaupo at baka pinag-aaralan pa nito ang tamang gawin sa trapiko sa Metro Manila. Siguro pagdating ng 2018, eh bigla itong kikilos para maayos na talaga ang problema sa sobrang trapik sa Metro Manila.

Pero heto ang tanong, bakit nga ba hindi effective na solusyon ang coding sa maghapon at magdamag na trapik sa Metro Manila?

Simple lamang po at tingin ko alam ito ni Chairman Orbos.

Madali na kasing bumili ng pribadong sasakyan na pang coding at kalimitan sa mga nakaka-angat sa buhay, tulad ni Chairman Orbos, eh more than one ang sasakyan nila.

Bukod diyan, hindi naman pribadong sasakyan ang laging laman at naglalabo-labo sa mga kalye ng Metro Manila eh ang mga bus, AUV, jeep, tricycle at padyak.

Kung hindi po obvious sa MMDA, ang mga pribadong sasakyan po eh karaniwang pag-alis nito sa bahay ng may-ari eh diretso na ito sa pupuntahan. Maaaring tumagal lamang ito ng hanggang isang oras sa daan, depende sa haba ng biyahe at bigat ng trapik.

Pero ang matagal talaga sa daan eh ang mga pampublikong mga sasakyan. Ikanga, laman na ng kalye ang mga ito at sa tutoo lang, ito ang mga karaniwang nagiging sagabal sa maayos na daloy ng trapik.

Ilang dekada na pinipilit na maging maayos ang kaugalian ng mga pampublikong sasakyan at hanggang ngayon, problema pa rin ang mga kaugalian ng mga ito.

Paano nga naman madi-disiplina ang libo-libong mga driver at operator ng pampublikong mga sasakyan? Tingin ko kulang ang bilang ng mga traffic enforder ng MMDA at ng mga lungsod na bumubuo ng MMDA.

Pero, heto ang isipin kaya natin… Paano kaya kung dalawa o tatlo lang ang kumpanyang may-ari ng pumapasadang mga sasakyan sa EDSA? Hindi kaya mas madali itong ma-disiplina at maging maayos ang daloy ng trapik?

Okay, marami sigurong aalma kung gagawin ito. Sasabihin na anti-poor ito at kawawa naman ang tatamaan na mga driver ng bus at jeep.

Pero, isipin ninyo, tayong mga gumagamit ng pampublikong sasakyan ang gumagastos na pamasahe at inaabot ng mahigit isang oras sa daan ang nahihirapan ng husto? Hindi ba dapat tayo ang masunod?

Kung papaboran natin ang interes ng mga namamasahe, tingin ko heto ang dapat mangyari: DAPAT MAGKARUON NA NG ISANG MATINONG MASS PUBLIC TRANSPORT SYSTEM NA…

  1. Dapat iisang klase lamang ang uri ng pampublikong sasakyan sa EDSA at mas pabor sa mga namamasahe ito ay malaking bus kaysa sa AUV or jeep.
  2. Dapat ang mga bus na ito eh may mga common stations at stops kung saan, doon lang sila magsasakay at magbababa ng pasahero.
  3. Dapat ang mga station at stop na ito ay kunektado sa mga AUV at jeep na magdadala sa mga pasahero papunta sa pinakamalapit na kanto sa bahay nila. Hindi dapat humalo ang tricycle at pedicab sa rota ng AUV at Jeep.
  4. Dapat may schedule ang pagdating at pag-alis ng mga EDSA bus. Dapat every 15 minutes kapag rush hours at every 30 minutes kapag hindi rush hour.
  5. Kapag may sobrang dami ng bilang ng mga nag-aabang ng masasakyang, dapat may maipadalang extrang mga bus. Ganun din ang mga konektadong AUV at jeep sa mga station at stop.
  6. Dapat ticket system ang pagbabayad  dito tulad ng MRT at LRT kung saan reloadable ang mga ticket sa pamamagitan ng mga 7-11, Mini-stop, at iba pang mga retail store. Dapat ang ticket na ito eh pwedeng gamitin rin sa pagbabayad ng pasahe sa LRT at MRT. Dapat pwedeng bumili ng ticket na pang-isang buwan at may discount kapag ganito ang binili.

Siyempre, kailangan ang mga EDSA Bus eh bago, maayos ang mga upuan, at maganda ang aircon. Dapat rin na may limit ang bilang ng mga taong sasakay dito para hindi sobrang siksikan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s